MGA BAGAY NA NAIS NG DIOS NA MALAMAN MO
Dapat Mong Malaman Na Mahal Ka Ng Dios
Mahal ka ng Dios at mayroon Siya na plano sa iyong buhay. . “Sapagkat gayon na lamang ang pagibig ng Dios sa sanglibutan na ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16
Lahat ay Makasalanan Ayon sa Salita ng Dios
Inihiwalay tayo ng kasalanan mula sa Dios. “Sapagkat ang lahat ay nagkasala nga; at hindi nakaabot sa kalwalhatian ng Dios.” Roma 3:23 . Nilikha tayo ng Dios mula sa larawan Niya. Binigyan tayo ng Dios ng kalayaan upang pumili mula sa mali at tama. Pinili nating magkasala. Ang ating kasalanan ay naghihiwalay sa ating mula sa Dios.
Ayon sa Salita ng Dios, ang ating Kasalanan ay may Kabayaran “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan...” Roma 6:23. Ang kabayaran ng ating kasalanan ay kamatayan at walang hanggang pagkihiwalay sa Dios sa impieyrno. Kung nanaisin nating magpatuloy sa ating kasalanan, mamamatay tayo na wala kay Cristo at hiwalay sa Dios magpakailanman.
Ang Mabuting Balita Ay Namatay Si Hesus Kristo Upang Bayaran ang Ating Kasalanan
Ang lahat ng ating kasalanan ay ipinakong kasama ni Cristo sa krus ng Kalbaryo. Binayaran niya ang kabayaran ng ating kasalanan. Namatay ang Panginoong Hesus Kristo sa krus at nabuhay Siya maguli mula sa mga patay. Siya ay buhay magpakailanman. “Ipinagtatagubilin ng Dios ang kanyang pag-ibig sa atin na bagamat tayo ay makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.” Roma 5:8
Kilala Mo Ba Siya Bilang Personal Na Tagapagligtas?
Tinanggap mo na ba Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas ng iyong buhay?
Dapat Mong Tanggapin Si Jesus Na Mayroong Pananampalataya Sa Iyong Puso Sa Pamamagitan ng Personal na Panalangin.
Ayon sa salita ng Dios, “ Sapagkat ang nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay malililigtas.” Roma 10:13
Manalangin Ka Ng Ganito. “Panginoong Dios, inaamin ko po na ako’y makasalanan. Pinagsisisihan ko po ang lahat ng ito. Nananampalataya po ako na tanging ang Panginoong Jesus ang aking pag-asa ng langit. Ngayon po, tinatanggap kita Hesu Kristo sa aking puso bilang aking Panginoon at tanging Tagapagligtas. Amen.”
Ayon sa salita ng Dios, “ Sapagkat ang nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay malililigtas.” Roma 10:13
Bagong Buhay
Ang buhay na walang hanggan ay nagsisimula sa pagtanggap kay Kristo Hesus bilang ating Panginoon at personal na Tagapagligtas. |
WHAT GOD WANTS YOU TO KNOW
Realize That God Loves You -
God loves you and has a plan for your life. “For God so loved the world that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.” John 3:16
The Bible Says That All Men Are Sinners -
Our sins have separated us from God. “For all have sinned, and come short of the glory of God.” Romans 3:23. God made man in His own image. He gave man the ability to choose right from wrong. We choose to sin. Our sin keeps us from God.
God’s Word Also Says That Sin Must Be Paid For - “For the wages of sin is death....” Romans 6:23. Wages means payment. The payment of our sin is death and hell, separation from God forever. If we continue in our sin, we shall die without Christ and be without God forever.
The Good News Is That Christ Paid For Our Sins -
All of our sins was laid on Christ on the cross. He paid our sin debt for us. The Lord Jesus Christ died on the cross, and He arose from the dead. He is alive forevermore. “But God commendeth his love toward us, in that, while we were yet sinners, Christ died for us.” Romans 5:8
Do you know Christ as your personal Savior? Have you ever received the Lord Jesus Christ into your life?
We Must Personally Pray And Receive Christ By Faith -
The Bible says, “For whosoever shall call upon the name of the Lord shall be saved.” Romans 10:13
Pray And Receive Christ As Your Savior -
Lord, I know that I am a sinner. If I died today, I would not go to heaven. Forgive my sin, come into my life and be my Savior. Help me live for you from this day forward. In Jesus’ Name, Amen.
The Bible says, “For whosoever shall call upon the name of the Lord shall be saved.” Romans 10:13
New Life -
Everlasting life begins when we receive Christ as our Savior  |